“walang tatapusin ang walang nasimulan”.
Sinabihan mo ako ng “mahal kita”, sinumulan mo
ang di ko naramdaman.
Iniwan mo akong talunan, kahit kabit-kabit ang agrabyadong
hatid mo sa akin at sa kanila.
Samantalang, nasaan sya noong naghihirap ka sa kalagayan mong
di mo maramdaman sa kanya? Muli kong binalikan lahat ng
mensahe mong nagdulot ng pag iyak ng isang babaeng di nag
mamahal sa iyo.. Muli kong dinaanan ang mga kwento nating
akala ko ay walang hangganan.
Gusto man kitang balikan, ngunit mga araw nalang na di mo
ako naramdaman. Mga araw na lang..
Di ko alam kung bakit ko ito binabahagi, sa kabilang banda,
Nalulungkot ako. Sana nilabanan ko nalang mga paglapit
ko sayo sa panahong nag-iisa ka..
Kamusta ako?
Sa kasalukuyan, bukas.
Masaya ako at kontento.


02.20.13 @ 13:29

60,778 notes







